Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis tsinugi ng BOC intel sa agaw-armas

0 104

Nanlaban at nang-agaw ng baril ang isang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) kaya ito binaril at napatay ng isang Bureau of Custom (BOC) Intelligence Officer noong Mayo 20,2022.

Ito umano ang lumabas sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section.

Ayon kay PBGen Leo Francisco, nabatid na ang biktimang si PEMS Celodonio Caunceran Jr., nakatalaga sa DHSU ay inaresto ng mga tauhan ng Custom Intelligence and Investigation Services Office ng BOC alas 5:15 ng hapon dahil sa paglabag umano sa Comelec gun ban sa may 15th St. corner Railroad Drive sa may LBC Port Area.

Nabatid na ipinosas ang biktima at dinala sa CIIS office para imbestigahan. Sa kasagsagan ng imbestigasyon ,nagpaalam umano si Caunceran na iihi kaya tinanggalan ito ng posas ni SAI Joven Lugtu.

Gayunman, inagawan umano nito ng baril si Lugtu kaya sila nagpambuno. Nakita ito ni Intelligence Officer Elizer Mangili Y Layag, 36 , binata, Intel Officer 1 CIIS, kaya binaril ng 2 beses sa ulo at dibdib ang pulis.

Naisugod pa ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero binawian rin ng buhay. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.