Abante Tonite Interactive

Pulis, tulak patay; paslit nabaril sa drug ops

110

Isang pulis at hinihinalang tulak ang patay habang sugatan ang limang taong gulang na anak na lalaki ng huli sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City kamakalawa.

Patay noon din si PO3 Arturo Viernes, 43-anyos ng Barangay 181, Pangarap Village na naka-assigned sa Caloocan City Police Community Precinct (PCP) 5 matapos na ratratin ng apat na mga kalalakihang lulang magkakaangkas ng dalawang motorsiklo na pawang naka-bonnet sa kanto ng Durian at Mabolo Street, Barangay 178 Camarin.

Alas-9:20 ng gabi nang pasukin naman ang bahay ng apat ding kala­lakihan si Michael Cabral, 31-anyos at paula­nan ng bala at nadamay ang lalaking anak na si Ale­xis sa kanilang sala sa Pitonia Street, Area C. Barangay 174 Camarin ng nasabi ring lungsod.

Abante Hiring – IT dep

Ang dalawa ay sina­sabing sangkot sa iligal na droga.