Abante Tonite Interactive

Pulis umayaw sa tagay, sinakyod

By
0 419

Binaril ng isang pulis ang kanyang kapitbahay matapos siyang saksakin ng huli nang tanggihan niya ang alok na tagay kamakalawa.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Station 3, ang insidente ay naganap dakong alas-6:30 ng gabi ng Martes sa Aratiles St., Purok 4, Brgy. Culiat, QC.

Napadaan umano si PO1 Benjamil Romoros Saransaman, 25-anyos, may asawa, na nakatalaga sa QCPD Batasan Police Stn. 6, taga-Luzon Ave., Brgy. Culiat, QC, sa tapat ng bahay ng kalugar na si Raymond Diliera Tongol, 30-anyos, ng nasabing lugar na noon ay nakikipag-inuman.

Inalok ang pulis na tumagay muna subalit ikinagalit iyon ni Saransaman at nagbantang babalikan siya nito.

Ilang minuto lang ay bumalik ang pulis na armado na umano ng caliber 9mm Piettro Berreta pistol at binaril si Tongol na tinamaan sa hita.

Sa panig ni Saransaman, rumesponde ito sa inuman nila Tongol dahil pinagtripan at binastos umano ng mga ito ang kapatid niyang si Marben.

Pagdating umano niya sa harap ng bahay ni Tongol ay nakita niya na may hawak na itong patalim at inambaan siyang saksakin sa tiyan pero mabilis siyang nakaiwas kaya mababaw lamang ang tinamo niyang sugat.

Nang muli umano siyang aatikihin ng saksak ay binaril na ito ng pulis.

Kinasuhan ni Tongol si SPO1 Saransaman ng frustrated homicide habang sinampahan naman ng pulis ang una ng attempted homicide.