Abante Tonite Interactive

Pulis vs pusher, kapwa nadedo

By ,
1,660

Nasawi ang isang bagitong pulis makaraang mapatay sa engkuwentro sa pagitan ng isang drug pusher nitong Lunes ng gabi sa Sitio Saudi, Brgy. Pias, General ­Tinio, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Sr. Inspector Adriano Gabriel Jr. sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding, NE police director, kinilala ang nasawi na si PO1 Mariano Emma­nuel Caparas, 26-anyos, residente ng Brgy. Bago, General Tinio.

Lumitaw sa imbestigasyon na alas-9:45 ng gabi, nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga tauhan ni Gabriel sa naturang lugar kontra kay Albert Gutierrez, alyas ‘Abet’.

Gayunman, noong matunugan ni Gutierrez na pulis ang katransaksyon ay bumunot ito ng baril at pinutukan si Caparas sa dibdib.

Biglang gumanti ang isang o­peratiba at nagantihan ng ­putok si Gutierrez, na nasawi noon din.

Nakuha kay Gutierrez ang ginamit na baril na pag-aari ng gobyerno na ninakaw mula sa sasakyan ng isang pulis sa bayan ng Cabiao nitong Hulyo 14.

Isinugod naman si Caparas sa Medicare Community Hospital subalit hindi na umabot nang buhay.