Abante Tonite Interactive

Pulisya bokya pa sa tinodas na Bucor off’l

0 140

Blangko pa ang Bureau of Correction at Muntinlupa City Police sa pamamaslang sa isang tauhan ng Bucor malapit sa gate ng New Bilibid Prison (NPB) anim na araw na ang nakakaraan.

Sa panayam kay ­Colonel Gabriel Chaklag, spokesperson ng Bucor, patuloy pa rin silang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Correction Officer 1 Porferio Bergula, nakatalaga sa NBP Medium Security Compound.

Sinabi ni Chaklag,­ kasama nila ang Muntinlupa City Police na nag-iimbestiga sa kaso ni Bergula kung saan hanggang ngayon ay wala pa silang lead sa pamamaril sa biktima.

“Actually nahihirapan kaming makakuha ng lead o motibo sa pamamaslang kay Correction Officer 1 Bergula dahil halos bago pa lamang ito recruit at na-assign sa NBP,” anang opisyal.

Si Bergula ay may limang anak na naiwan at grade 6 pa lamang ang kanyang panganay.

Maging ang Muntinlupa City Police ay blangko pa rin sa imbes­tigasyon.

Magugunitang pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikila­lang lalaki na sakay ng motorsiklo si Bergula, Nobyembre 27, alas-10:00 ng umaga sa tapat ng isang kainan malapit sa entrance ng gate ng NBP. (Armida Rico)