Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulisya kinalampag sa inambus na lady judge

0 141

Kinondena ni Supreme Court, Chief Justice Diosdado Peralta ang pananambang kay Camarines Sur Regional Trial Court, Branch 56 Judge Jeaneth Gaminde San Joaquin at sa kanyang staff habang papunta sa Naga City.

“I strongly condemn the recent attack on Judge Jeaneth Gaminde San Joaquin of Libmanan, Camarines Sur and her companions,” ayon kay Peralta.

Inatasan niya ang lahat ng law enforcement agency na madaliin ang imbestigasyon at tiyakin na maaresto ang nasa likod ng krimen.

“An attack on our judges is an assault of the Rule of Law. This has no place in a civilized society like ours,” dagdag pa ni Peralta.

Binatikos din ng Integrated Bar of the Philippines Camarines Sur Chapter, ang pag-ambush sa hukom.

“We condemn in the strongest terms the wicked attempt and vicious assault to the life of judge Jeaneth Gaminde San Joaquin of RTC (regional trial court) Branch 56 and her secretary,” saad ng IBP CamSur.

Naganap ang pananambang sa hukom

Si San Joaquin, 46, at kanyang aide ay pinagbabaril ng tandem, alas 2:30 ng hapon sa Barangay Puro Batia sa Libmanan. Nakaligtas ang hukom ngunit kritikal si Rocelle S. Martinez, 34. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.