Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulong Duterte subsob sa trabaho

0 118

Tila walang nangyaring eleksyon sa unang distrito ng Davao. Ito ay makikita sa natural na galaw ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na kapatid ni Vice President-elect Inday Sara Duterte.

Dahil sa naganap na sunog , hindi pa man pormal ang panunungkulan bilang kongresista ulit ng Davao City, nakitaan ng tunay na pagmamahal ang anak ni President Rodrigo Duterte nang mabilis ng aksyon at tulong sa mga nasugan sa Barangay 76-A Bucana sa Davao City.

Sa ulat ng Davao City Social Welfare (CSWDO), naganap ang sunog ng 6:40 ng umaga kung saang higit sa sampung pamilya ang naapektuhan ng husto.

SM food to go Banner Ad

“Ito po ang obligasyon na nakadikit na sa atin nang tayo ay maluklok ng ating mga mahal na kababayan. Kaya sukli po natin ang patuloy na tulong at aruga para sa kanila,” maikling pahayag ni Rep. Pulong.

Sa nakaraang eleksyon, naging landslide ang tagumpay ni Rep. Duterte maging ang kapatid nito na si Mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte. Nagwagi din ang kanila babaeng kapatid na si Davao City at Vice President-Elect Inday Sara Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.