Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulong Duterte tikom sa paglayas ng 7 staff

0 279

Kinumpirma ni presidential son at House Deputy Speaker for Political Affairs Paolo `Pulong’ Duterte ang pagbibitiw ng pito niyang staff subalit tumanggi itong magbigay ng detalye.

Sa isang maiksing pahayag, sinabi ni Duterte na wala na sa kanyang panig ang magbigay ng detalye hinggil sa pagbibitiw ng kanyang mga staff.

Nabatid na kabilang sa mga nagbitiw ang chief of staff ni Duterte na si Atty. Sherwin Prose Castañeda.

Ayon kay Duterte, mas makabubuti umano kung si Castañeda na lamang ang sumagot o magsalita dahil naging maayos naman aniya ang kanilang paghihiwalay.

“For the details on why they resigned I think it would be best if Atty. Castañeda should answer that question because for me tapos na ang lahat and we parted ways na maayos,” ayon kay Duterte.

SM food to go Banner Ad

Bukod kay Castañeda, nagbitiw din sina Supervising Legislative Staff Officer Denver Chua, Legislative Officer II Editha Vitto, Legislative Staff Assistant II Ava Dominique De Leon, Political Affairs Assistant III Emily Baylon, Political Affairs Assistant II Gilmarc Caasi, at Rex Barcenas, consultant.

Una rito, ay napaulat ang pagkumpirma ni House committee on Appropriations chair Eric Yap na siya mismo ang humiling kay Castañeda na magbitiw dahil sa umano´y kapalpakan nito sa pmamalakad sa tanggapan.

Dahilan upang sumunod na rin ang iba pang staff.

“Ako kasi nag-endorse, ako nagpasok… Ako nagpakilala kay Duterte. So may mga lapses kasi while nasa Davao si Cong Pulong because of the lockdown. May mga lapses so I asked him [Castañeda] to resign na lang,” pag-amin ni Yap.

Hindi naman dinetalye ni Yap kung ano ang kapalpakang ginawa ni Castañeda.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.