Abante Tonite Interactive

Pulong vs Trillanes nabuhay sa Digong ‘power nap’

By
710

Ipinagtanggol ni Presidential son at dating Davao City Vice-Mayor Paulo Duterte ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kritisismo ni senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa ‘power nap’ nito sa 33rd ASEAN summit sa Singapore.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Paulo na mas mala­king problema ng bansa ang utak ni Trillanes kasabay ang tanong kung kumusta naman ang na­ging tulog nito noong nag­­­k­u­long sa Senado dahil sa takot na maaresto.

Sinabi ng anak ng Presidente na ang ama nito ang palaging nakikita ng senador at palaging nakaabang ng maibubutas para makabanat sa administrasyon.

“Your brain is a bigger problem for this country! Kumusta tulog mo sa Senado toy…???,” ang nakasaad sa post ni Pulong sa social media.

Pinutakti naman ng negatibong banat ng netizen si Trillanes partikular ang mga supporter ng Pangulo .
Ilan dito ay ang gaya ng pahayag ni Victoria Marie Curato : “ Kumusta naman ang pagtira mo sa senado na libre lahat at may sahod ka pa? Wala kang kwenta Trillanes!”.

Philipp Alfonga: “ Hahahaha Bakit si Drilon laging tulog di nito makikita? Araw2 kasama niya ito sa senado.”
Jane Perater Yama: “Ipa-rehab ni si trililing or ipa-mental oh unsa pa or igaid sa akasya kag ipa paak sa lamihas tibuok lawas grrr.”