Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulubi na-hit and run, tigok

0 148

Namatay ang isang lalaking pulubi nang salpukin siya ng isang van sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Boy De Belen, 56, residente ng Barangay San Mariano, Sta. Rosa, Nueva Ecija. Nalaman umano nila ito sa ID ng lalaki.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napaulat na alas-7:30 ng gabi, naglalakad pa-timog ang biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay H. Concepcion ng naturang lungsod nang bigla siyang binangga ng isang puting L300 van.

Tumakas agad ang driver ng van habang nagtamo si De Belen ng pinsala sa ulo.

Isusugod pa sana ng Cabanatuan City Rescue Team ang biktima sa ospital pero umayaw umano ito. Pumanaw din ang lalaki matapos ang ilang saglit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.