Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulubing nakasaklay biglang nanghabol ng saksak sa EDSA

0 258

Viral sa Facebook ang video kung saan makikita ang isang pulubing nakasaklay na bigla na lamang nakatakbo at hinabol ng saksak ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa post ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) PCG, nangyari ang insidente sa EDSA Carousel Ortigas Avenue station noong Mayo 31.

Alas-5:22 ng hapon, isinumbong ng mga pasahero sa EDSA Carousel Ortigas Avenue station ang tungkol sa sinasabing pangha-harass ng lalaking pulubi na nagpapanggap umanong may kapansanan, na minumura sila kapag hindi nagbibigay ng pera at tinatakot pa ng kutsilyo.

SM food to go Banner Ad

Nang tangkain ni IACT PCG Marshal SN2 Julius Gibran Abundol III na i-escort palayo sa busway ang lalaki, tumanggi ito at nagsimulang sabihan ng kung ano-anong salita ang una.

Matapos ay naglabas ang pulubi ng kutsilyo at hinabol si Abundol, kung saan nabistong nakatatakbo pa ito sa kabila na nakasaklay.

Kalaunan ay nasawata rin ang pulubi, na nabatid na nagngangalang ‘Ariel’, at kilalang pakalat-kalat sa EDSA Carousel busways para manlimos ng pera, manakot ng mga pasahero at mambato sa mga bus.

Samantala, pinuri ni PCG Commandant Adm. George Ursabia Jr. si Abundol. (Issa Santiago/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.