Abante Tonite Interactive

Pumagitna sa away kinatay

317

Tadtad ng saksak nang isugod sa pagamutan ang isang 33-anyos na lalaki na nagtangka lang umawat sa away ng kanyang mga kapitbahay kahapon nang madaling-araw sa Las Pi?as City.

Wala ng buhay nang dalhin sa Las Pi?as Medical Center ang biktimang si Edgardo Reyes, jobless, taga-Camachile St., Golden Acres, Talon Uno sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa Las Pi?as District Hospital ang isa sa magkapatid na suspek na si Jomar Dumawal, 30, sanhi ng tinamong saksak sa tiyan habang nakatakas ang nakatatandang kapatid nitong si Armando Dumawal, 43, na tumulong sa kanyang kapatid sa pananaksak sa biktima.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Randy Tenedero at P/SSgt. Mark Tino ng Homicide Section, nasa loob na ng kanyang bahay ang biktima ala-1:50 ng madaling-araw nang marinig niya ang nagaganap na komosyon sa labas.

Paglabas ni Reyes, nakita niya ang matinding pag-aaway ng mga kapitbahay, kabilang ang magkapatid kaya tinangka niyang umawat subalit sa kanya nabaling ang galit ng mga suspek at pinagtulungang pagsasaksakin. (Armida Rico)