Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pumalag na tulak kinorner sa Cubao

0 66

Hindi agad sumuko sa mga awtoridad ang isang drug suspect nang magpahabol at makipagbarilan pa sa mga pulis sa Cubao, Quezon City kahapon.

Kinilala ang pulisya ng nadakip na si Kenneth Andrew Santillan. Sa inisyal ulat, alas-11:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng isang hotel sa Brgy. Socorro. Isang pulis ang bumili ng shabu mula sa suspek subalit nakatunog ito dahilan upang agad na iatras ang kanyang sasakyan at pinaputukan ang mga awotridad.

Nakorner naman ng mga pulis si Santillan nang makaliko sa dead-end na kalye sa Harvard Street. Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 15 gramo, caliber .45, kotse na ginamit nito at isang Identification Card ng Highway Patrol Group (HPG).

Nakapiit na si Santillan sa Cubao Police Station habang inihahanda ang patong-patong na kaso laban sa kanya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.