Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pumalag sa parak, tulak tinodas

0 133

Patay ang isang high value target (HVT) na sinasabing tulak ng iligal na droga matapos umanong manlaban sa aarestong pulis sa isang buy-bust operation, Martes ng hapon, sa Daraga, Albay.

Dead on the spot dahil sa tinamong bala sa katawan ang suspek na si Norkasan Samporna alyas ‘Monching’, taga-Legazpi City, at kabilang umano sa HVT sa database drug personality ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) Director Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, alas-4:15 ng hapon nang isagawa ang buy-bust laban sa suspek sa Purok 3, Barangay Budiao ng nabatid na bayan.

Nakipagtransaksyon ang isang police poseur buyer sa suspek at kumuha ng P30,000 halaga ng shabu gamit ang boodle money.

Nang magkapalitan na ng pera at iligal na droga ay hinudyat na ang pag-aresto sa suspek. Imbes na sumuko ay nakipagbarilan pa umano si Samporna sa pulisya dahilan ng kanyang kamatayan.

Nakuha umano mula sa suspek ang limang gramo ng shabu at maikling kalibre ng baril. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.