Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pumapak sa gf, sinaksak ng 45 beses

0 88

Nagsumbong ang 18-anyos na babae sa Russia tungkol sa panggagahasa sa kanya ng isang lalaki noong siya ay 15-anyos pa lamang.

Ang ‘di niya alam, ang taong kanyang pinagsumbungan ang maghihiganti sa isang brutal na paraan.

Tinadtad ng saksak ng 18-anyos na si Lev Maslennikov ang 30-anyos na si Alexander Krizhanovsky, ang ikinuwento ng kanyang jowa na si Polina na gumahasa umano sa kanya tatlong taon na ang nakararaan.

Naaresto naman ng mga awtoridad si Maslennikov nang maharang sila ni Polina sa tangkang pag-alis sa Russia.

Umamin ang suspek sa krimen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ulat ng The Sun, napuno ng galit si Maslennikov nang malaman na ginahasa ni Krizhanovsky ang kasintahan noong ito ay menor de edad pa lamang.

Kaya’t gumawa siya ng pekeng social media account at pinangalan ito kay Polina upang ayain ito sa isang date.

Ngunit ito ay set-up lamang para mapatay niya sa 45 na saksak si Krizhanovsky.

Natagpuan na lamang sa isang gubat ang katawan ng biktima. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.