Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pumasadang 11 modern dyip, hinila

0 192

Hinarang ng mga awtortidad ang may 11 modern jeepney nang maaktuhang ilegal na namamasada sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Nagsasagawa ang mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng anti-colorum operation sa Commonwealth Avenue at namataan ang naturang makabagong dyip na ilegal na namamasada sa lugar kaya agad silang dinakip.

Dalawang e-jeep ang unang nasita habang alas-7:00 ng umaga naman nang maaresto ang siyam na iba pa, o kabuuang 11 modern jeepney.

Nabatid na bukod sa wala pang permiso na pumasada, hindi pa naka-face mask ang konduktor ng isang modern jeep.

Ayon sa mga awtoridad, may provisional authority na ang mga modern jeep na ito para sa ruta.

Gayunman, hindi pa rin sila maaaring bumiyahe dahil kailangan pa nilang mag-apply para sa QR code. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.