Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pumaslang sa PMMA cadet kinasuhan na

0 231

Sinampahan na ng kasong homicide ang isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) matapos ang sinasabing pagpatay sa kanyang kapwa kadete sa San Narciso, Zambales.

Ayon kay Chuck Dela Cruz, PMMA chief of staff of the superintendent, kinasuhan na si Cadet Third Class Jomel Gloria, sa Office of the Provincial Prosecutor at ngayon ay nakakulong na sa Zambales Police Station.

Nakilala ang biktima na si Cadet Fourth Class Jonash Bondoc na natagpuang nakahandusay sa banyo ng PMMA barracks nitong Hulyo 6 ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Dela Cruz na nakipag-ugnayan si Gloria sa academy. Inamin ni Gloria na “hindi intensyunal” ang pagsuntok niya sa dibdib ni Bondoc nang dalawang beses at hindi niya akalain na maoospital ito.

Tumugma naman ang pahayag ni Gloria sa sinabi ng mga testigo. Inalis na ang suspek sa PMMA, ayon kay Dela Cruz.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Zambales Police kaugnay sa tunay na motibo ng suspek na sinasabi ng ilang kadete ay kaibigan ng biktima. (Vick Aquino/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.