Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pumatay’ kay Ai Ai hinahanting ng NBI

0 46

NI:MILDRED BACUD

Pagkatapos magsampa ng kaso ni Senator Francis Pangilinan dahil sa fake news laban sa dalawang vloggers sa YouTube, ngayon naman ay si Ai Ai delas Alas.

Pormal nang nagsampa ng reklamo sa kinauukulan ang Comedy Queen laban sa taong nasa likod ng nagpalaganap ng fake news na pumanaw na siya.

Dinulog na nga niya sa National Bureau of Investigation ang kumalat na balitang ito sa internet na umano’y siya’y pumanaw sa malubhang sakit dulot ng diabetes.

Una nang naglabas ng galit si Ai Ai sa kaniyang Instagram acoount.Pinangalanan ang ATUBS TV YouTube Channel na siyang nagpalabas ng fake news.

Sabi ng komedyana sa kaniyang interview sa GMA, “Lahat yan babalik sa kanila. Pina-NBI ko na rin. Pinapahanap ko na rin ’yung mga IP address nila. E, ano, e, kumbaga sa ano, mga fake accounts din,” pahayag ni Ai Ai.

Nag-alala raw ang pamilya at mga kaibigan niya kaya ganun na lamang ang stress na dinulot nito sa kaniya.

Kababalik lamang ni Ai Ai galing sa mahabang bakasyon sa Amerika kasama ang asawang si Gerard Sibayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.