Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pumatay’ kay Erap muntik resbakan ni Jinggoy

0 399

Hindi na hahabulin ni dating Senador Jinggoy Estrada ang netizen na nagpakalat ng fake news na patay na ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada.

Sa panayam sa `Balitaan at Kumustahan’ ni Jon Ibanez sa Politiko Live nitong Lunes, hiningi ang reaksiyon ni Jinggoy hinggil sa lumutang na balita sa social media.

“Nakita ko ro’n sa Facebook account, may nakalagay, ‘Rest in peace, Joseph Estrada.’ Ako naman, ‘Bakit ganun?’” kuwento ni Jinggoy.

SM food to go Banner Ad

“So nagpakuha kami ng litrato the same day at pinost ko rin doon sa aking Facebook account,” aniya pa.

Ayon kay Jinggoy, sinabihan siya ng ama na huwag nang patulan ang fake news kaya larawan at hindi live video ang ginawa niyang patunay na buhay pa ang dating pangulo.

Nang tanungin naman kung kumusta ang ama, sinabi ni Jinggoy na: “Okay naman. Malakas na malakas pa. He’s, I think, 83 years old at wala namang sakit.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.