Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pumatay ng 2 anak, suspek sa pagbigti kay misis

0 128

Tinuturing nang suspek sa pagkamatay ng kanyang misis ang mister na umaming pumatay dalawa nilang anak, ayon kay Taguig City chief of police Police Colonel Celso Rodriguez.

“Si Carina, na sinasabi natin noong una na natagpuang nagbigti, pero lumalabas ngayon na ito ay pinatay din nitong suspek natin,” sabi ni Rodriguez sa isang panayam sa radyo, “Ang nangyari pala ay sinakal niya at ibinigti upang paniwalain ang mga pulis o ng mga kamag-anak na si Carina ay nagpatiwakal.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinilala ang sumukong suspek na si Aiko Siacunco na nagawa ang krimen noong Pasko. Aniya, nagawa niya ito dahil sa depresyon dulo ng diumano’y suicide ng kanyang misis ng bisperas ng Pasko.

Dahil dito, mahaharap na sa tatlong kaso ng parricide ang suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.