Abante Tonite Interactive

Pumatay ng ka-live in arestado sa airport

495

Pagkatapos ng 16 na taon na pagtatago sa ibang bansa, arestado ng Cavite police ang isang lalaki na suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa Cainta, Rizal, sa paglapag nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Parañaque City.

Nakilala ang suspek na si Ezra Dave Gipan Maling na hinuli sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Hunyo 30, 2011 sa kasong murder.

Sa report ng Cavite Police, alas-10:47 kahapon nang umaga nang arestuhin ang suspek pagkalapag sa NAIA Terminal 3 sakay ng Korean Air Flight Number KE621 mula sa Los Angeles, California.

Si Maling ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng kanyang live-in partner na si Gargeda noong Marso 17, 2003 na natagpuang patay sa basement ng kanilang bahay sa Vista Verde Country Homes, Brgy. Sto. Domingo, Cainta Rizal.

Nabatid na pinatay umano ni Maling ang live-in partner nito nang nabalitaan na magkakabalikan ito sa totoong asawa. (Gene Adsuara)