Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pumugang preso balik-selda

0 145

Balik-kulungan ang isa pa sa apat na preso na nakatakas matapos lagariin ang rehas na bakal ng kanilang piitan sa Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11 madaling araw ng Enero 7, 2021.

Ayon kay QCPD Director, Police Brig. General Danilo P Macerin, naaresto ng District Mobile Force Battalion DMFB) sa Sta. Maria, Bulacan ang nakatakas na preso na si Glenn Louie Limin, 20, taga-Caloocan City.

Alas-5:30 ng hapon (January 30) nang madakip si Limin sa Las Palmas Subd., Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan, ng mga operatiba ng DMFB sa pamumuno ni PLt. Col. Christopher F Olazo.

SM food to go Banner Ad

Unang naaresto noong January 9 ang umeskapong si Ronald Buenafe, 34, sa pinagtaguang kamag-anak sa Purok 9, Area B, Brgy. Sta. Cruz, Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pang nakatakas na preso na sina Marvin Incio, alias Inok at Joel Sanchez, alias Jovan Tokwa na may mga kasong pagtutulak, paggamit ng iligal na droga at robbery. (Dolly B., Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.