Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Punerarya owner tinumba ng tandem

0 89

PATAY ang isang prominenteng lider ng isang fraternity sa Cebu na nagmamay-ari rin ng isang punerarya nang barilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaking sakay ng isang motorsiklo, Biyernes ng hapon.

Sa report, nangyari ito sa Barangay Calamba, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Richard Buscaino, presidente ng Alpha Kappa Rho fraternity sa Central Visayas, na namatay sa apat na tama ng bala.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Police Staff Sergeant Vincent Gonzalve ng Sawang Calero Police Station, na nagmamaneho si Buscaino papunta sa Barangay Labangon nang tambangan siya.

Matapos mabaril ang biktima, ang mga suspek na nakasuot ng full-face helmets, ay tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Labangon.

Patuloy ngayong pinaghahanap ang mga salarin upang matukoy ang mga ito at gayundin ang kanilang motibo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.