Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Punerarya sa Tuguegarao hinahabol ng BIR

0 62

Patay sa Bureau of Internal Revenue ang isang punerarya sa Tuguegarao City na hinahabol ngayon para sa P6.94 milyong buwis noong taong 2011.

Kinasuhan ng BIR Region 3 ang Ortiz Memorial Chapel Inc. at ang presidente nitong si Ronaldo Ortiz sa paglabag ng Tax Code partikular na ang hindi pagsusumite ng income tax return at hindi pagbabayad ng buwis.

Pinadalhan ng BIR ng Letters of Authority ang Ortiz Memorial para masuri ang mga libro nito hanggang sa pinadalhan na ito ng preliminary assessment notice kung saan pinapakita ng BIR sa kompanya ang halagang sisingilin nito. Umabot na ito sa pagpapadala ng formal assessment notice, formal letter of demand hanggang sa naging pinal na ang sinisingil nito.

Humantong na rin ito sa pagkuha ng BIR ng warrant of distraint or levy at garnishment ngunit hindi pa rin nakasingil ang BIR sa Ortiz Memorial.

Ang hindi pagbayad ng buwis at hindi pagsumite ng tax return ay kasong kriminal na ikakukulong ng responsableng opisyal ng isang kompanya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.