Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puno ng kawayan itatanim sa Cagayan River kontra baha

0 257

Magtatanim ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga puno ng kawayan sa mga pampang ng Cagayan River upang maiwasan ang malalang pagbaha sa mga kalapit na komunidad.

Ipinag-utos ni Secretary Roy Cimatu sa mga regional office sa Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon sa isang pulong na tiyakin ang availability ng mga itatanim na bamboo tree.

Inatas din niyang agad tingnan kung saang lugar sa ilog ang pinaka-angkop para sa pagtatanim at pagpaparami ng kawayan.

Giit ni Cimatu, mas mataas at mabilis ang survival rate ng mga kawayan kumpara sa mga puno.

Epektibo rin aniya itong solusyon sa climate change dahil nasisipsip ng mga kawayan ang greenhouse gas at napoprotektahan ang kalikasan sa carbon dioxide.

Maliban doon ay nakagagawa rin aniya ang mga kawayan ng 35 porsyento pang oxygen kaysa sa katumbas nitong laki ng puno. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.