Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Punuan na mga emergency room sa Metro Manila

0 292

Puno pa rin ang mga emergency room sa mga lugar na tinamaan ng pandemya dahil nanatiling mataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Greater Manila Area (GMA), ayon sa isang grupo ng mga doktor sa bansa.

“Marami kaming nakikita na severe na o critical. It’s frustrating sa amin kasi by the time na makita namin, malalang-malala na ang mga kababayan natin,” sabi ni Dr. Maricar Limpin, vice president ng Philippine College of Physicians (PCP).

SM food to go Banner Ad

Iginiit ng PCP na dapat magpatupad ng “long term” na mga programa katulad ng pag-digital sa contact tracing at i-testing ang mga taong nalantad sa sa virus gayondin ang maayos na referral system para sa mga kaso ng COVID-19.

“Kinakaya na lang talaga namin, ang mga emergency department namin ay talagang punong-puno. Hindi lang punong-puno, it is about 200-percent capacity ang aming mga emergency department,” ayon pa kay Limpin. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.