Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Punuan swab test – Marcial

0 266

PBA atrasado ang praktis

Lunes ng hapon nakarating na sa tanggapan ng PBA Commissioner ang joint administrative order na pirmado ng Inter-Agency Task Force na nagbibigay ng go-signal na makakapag-workout na ang players.

Pero muling naudlot ang balik sa practice facilities.

Isasalang na agad sana ng liga ang players sa mandatory pre-practice swab testing para sa coronavirus nang magkaroon ng kaunting problema.

Ayon kay commissioner Willie Marcial, sa Aug. 10 na ang pinakamaagang posibleng matuloy ang workout dahil Aug. 6 o 7 pa sila makakapagpa-test sa Makati Medical Center.

“Punong-puno testing facilities, pati ‘yung sa Makati Med,” paliwanag kahapon ni Marcial. “Kaya sa first week of August pa tayo p’wedeng mag-umpisang magpa-test doon.”

Nilagyan ng timeline mula testing hanggang paglabas ng resulta, aabutin ng ilang araw pa.

“’Yung (swab) testing within two days labas na ang resulta, possible by (Aug.) 10 pataas ang simula ng workouts,” wika ni Kume.

Pero siniguro ni Marcial na hindi apektado ang target na pagsisimula dahil inabatan na nila ang posibleng delays.

“Nandoon pa rin naman tayo, na sa September o hanggang mid-October tayo makakapaglaro ulit,” panapos aniyang wika. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.