Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Purdoy na matandang binata nagbigti

0 97

Isang 65-anyos na binata na problemado sa pera ang nagpasya na lamang na magbigti Martes ng hapon sa Zamboanga City.

Alas-3:00 ng hapon nang magimbal ang mga kapitbahay ng matandang binatang biktima matapos itong makitang nakabigti sa isang puno, may limang metro ang layo sa kanilang bahay sa Barangay Upper Pasonanca, Zamboanga City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, bago nagpatiwakal, napag-alaman na ilang araw nang nakikitang malungkot ang biktima dahil sa problema sa pera.

Teyorya ng pulisya, posibleng depresyon na may kinalaman sa pinansyal ang nag-udyok sa biktima upang wakasan ang buhay.

Isinailalim na sa autopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman kung may foul play sa pagkamatay nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.