Abante Tonite Interactive

Puregold-Lucio Co pasaway sa billboard

306

NAGBIGAY ng panganib sa publiko ang napunit na billboard ng Puregold sa Dragon mall sa Divisoria nitong nagdaang araw.

Nabatid na bago mag alas-12:00 nang tanghali nitong Huwebes, Agosto 8, nagkapunit-punit ang billboard na nakakabit sa may Puregold ng Dragon mall dahil sa malakas na ulan at hangin.

Nalaman na naalis rin ang isang bahagi ng bar angle na delikadong bumagsak sa mga nagdaraan.

Pag-aaralan naman ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila kung dapat na rin magsagawa ng pagsisiyasat sa mga nakakabit na billboards sa Maynila.

Ayon kay Manila Secretary to the Mayor Bernie Ang ito ay para matiyak kung nasa maayos pang kalagayan ang mga nalakabit na billboard sa iba’t ibang panig ng lungsod.

Tinatanggal dapat ang billboard kapag masama ang panahon, pero hinayaan ito ng Puregold hanggang sa mapunit ito at manganib ang mga dumaraang tao.

Malaking katipiran ang paggamit ng tarpaulin bilang billboard subalit lumabag naman ang kompanya sa alituntunin kapag may masamang panahon.

Ang Puregold ay minamay-ari ng negosyanteng si Lucio Co. (Juliet de Loza-Cudia)