Abante Tonite Interactive

Puregold-Lucio Co pinakulong ang staff sa 62 cupcake

By
724

Isa na namang empleyado ng chain of supermarket na pag-aari ng Chinese-Filipino businessman na si Lucio Co ang ipinakulong matapos umanong mabuking ang inumit nitong P62 na halaga ng cupcake na inipit sa kanyang medyas kamakalawa nang hapon sa Valenzuela City.

Kinasuhan ng qualified theft ang 24-anyos na si Gether Fajardo, taga-Cagayan de Oro at merchandizer ng isang sangay ng Puregold sa Brgy. Paso de Blas corner East Service Road, North Expressway, Malinta, sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng Station Investigation Unit ng Valenzuela Police Station, bandang alas-otso nang gabi habang nagro-roving si Florence Lazaro sa bodega ng Puregold nang makita nito si Fajardo na nakatayo sa ibabaw ng gondola stand at napansin ang maumbok na medyas ng suspek.

Sinita ni Lazaro ang suspek at tiningnan ang laman ng kanyang medyas at doon nakita ang chocolate cupcake.
Dinala si Fajardo sa presinto at sinampahan ng kaso.

Si Mary Grace Lorza­no, assistant check-out supervisor ng Puregold, ang kakatawan sa pagsasampa ng kaso laban kay Fajardo.