Abante Tonite Interactive

Puro small-time lang huli n’yo!

Ping ‘di bilib sa PDEA

By
208

Nanawagan si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa anti-drug enforcement ­authorities na higit na tutukan ang pagpapatumba sa mga big-time drug lord at trafficker sa bansa.

Aniya, ipaubaya na lamang ng PDEA agents sa Philippine National Police (PNP) ang pagtugis sa small-time crooks at magpokus sa pagpapatumba ng big time drug lord.

“P1B worth of drugs? Way to go PDEA. Get the big ones. Leave the street pushers in slippers and shorts to the PNP,” ani Lacson.

Abante Hiring – IT dep

Ang panawagan ng senador ay alinsunod sa napaulat na shootout operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan lang, kung saan dalawang Chinese national ang nahulihan ng bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa Tanza, Cavite.