Abante Tonite Interactive

Purok lider niratrat ng riding-in-tandem

11

Isang 40-anyos na purok leader ang agaw-­buhay ngayon matapos na tadtarin ng bala ng dalawang lalaking lulan ng iisang motorsiklo sa Caloocan City ka­maka­lawa ng gabi.

Sa ulat ni SPO2 Noli Albis ng Caloocan City Police North Extension Office (NEO), alas-7:45 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ng bikti­mang si Dandy Ortilla, 40-anyos, sa Phase VIII, Package II, Block 25, Bagong Silang ng na­sabing lungsod.

Nakaupo noon sa ta­pat ng bahay ang biktima at nagpapahangin nang dumating ang mga suspek at walang habas siyang pinaulanan ng bala.

Agad na tumumba ang biktima na sinabayan ng mabilis ring pagtakas ng mga suspek.

Sinaklolohan ­naman ng mga kapitbahay ang biktima at isinugod sa Tala Hospital ngunit ­kalaunan ay inilipat din sa Far Eastern University (FEU) Hospital ng kanyang pamilya na nasa kritikal na kondisyon pa rin hanggang sa nga­yon dahil sa limang tama ng bala sa iba’t ibang ­bahagi ng kanyang katawan na tinamo. (Cherk ­Balagtas)