Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pursigido si four-time Southeast Asian Games men’s 400-meter hurdles gold medalist Eric Shauwn Cray

0 301

na mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa July 2021 sanhi ng pandemya.

Gustong makabawi ng 32-year-old, 5-foot-9 Olongapo City-born, Texas-based Fil-Am sa seventh place finish sa semifinals ng 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Kaya kahit wala pa mang katiyakan ang mga petsa ng 2021 Olympic Qualifying Tournament ng World Athletics (WA), todo ang pakondisyon na siya at pakikipag-ugnayan sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa misyong makahabol sa quadrennial sportsfest.

Tangka ni Cray na maabot ang 48.90 seconds standard qualifying time para sa Tokyo Games. Ang personal best niya na 48.98s na naitala sa 2016 Madrid World Challenge. Ito ay PH record din.

“Been keeping myself in good condition and always ready anytime for call,” pahayag Lunes ni Cray, na ama ng dalawang supling at kampeon sa SEA Games sapul noong 2013-19 400m.

May 49.59 siya nang maghari sa 2017 Bhubaneshwar Asian Athletics Championships, habang nag-50.21 siya sa huling PH SEAG. Best time niya sa apat na SEAG noong 2015 sa 49.40. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.