Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pusa sa Belgium nahawa ng COVID 19 Belgium

0 240

Minamahal kong mga PETmalu,

May seryosong balita ako pero huwag mag-panic. Bagamat may isang pusa sa bansa ng Belgium na nahawaan ng Covid-19, wala po tayong peligro sa ating mga alagang pusa. Gusto ko lang linawin ito bago ko i-kwento sa inyo ang mga detalye.

Ayon sa Brussels Times, ‘living in close contact’ ang Covid positive na babae at ang kanyang pusa. Pagkalipas ng isang linggo nagkasakit na rin yung pusa. Ang mga naging sintomas niya ay diarrhea, pagsusuka at asthma. Nang pina-test ang pusa, may nakitang mga virus sa kanyang dumi.

Nakakagimbala po ang balitang iyan para sa mga pet lovers! Gayunpaman, wala po tayong rason para mag-panic.

Ayon sa virology expert na si Steven Van Gucht ng Federal Public Service Health sa America, ito ay isang ‘isolated case’ ng ‘human-to-animal transmission’ at ang posibilidad ng kabaligtaran o ‘animal-to-human’ ay napakaliit.

Ang paniniwalang iyan ay sinusuportahan ng Chief Veterinary Medical Officer ng University of California na si Jane Sykes. Sabi niya na malaki ang posibilidad na ang mga pets natin ay mga “dead-end hosts” para sa Covid-19. Ibig sabihin, maaring mahawa sa atin ang ating mga alaga pero wala silang capacidad na i-pasa ang virus sa atin o sa ibang hayop.

Hindi po ito ang unang kaso ng human-to-animal transmission. Mayroon nang dalawang aso sa Hong Kong na nagtagpuang weak-positive para sa Covid. Ayon sa mga awtoridad doon, nahawa ang mga aso sa kanilang mga amo na mayroong Covid. Pero ang magandang balita ay hindi nagkaroon ng mga sintomas ng virus ang nasabing mga aso.

Your email address will not be published.