Abante Tonite Interactive

Pusa tulog sa 66% ng kanilang buhay

40

Alam n’yo bang 66 porsiyento ng buong buhay ng isang pusa ay ginagamit nito para matulog lang.

***

Ang pinakamaliit na­ting buto ay makikita sa tainga.

***

Ang isang mamamayan ng bansang Switzerland ay kumukonsumo ng 10 kilo ng tsokolate kada taon.

***

Ayon sa pananaliksik, ang madalas na dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa ay pera.

***

Ang macadamia nuts ay lason kung makakain ng isang aso.

***

Alam n’yo bang ang kidlat ay umaabot sa 30,000 degrees ang init na ibinubuga.

***

Ang gagamba ay nabibilang sa pamilya ng mga Arachnids at hindi isang uri ng insekto.

***

Parehong anggulo­ ng mukha ng buwan ang ating nakikita sa tuwing nagkakaroon ng full moon.

***

Related Posts

Ang ‘stewardesses’ ay ang pinakamahabang sa­litang tinitipa sa keyboard gamit ang ating kaliwang kamay.

***

Ang honey o pulot ay isang uri ng natural na pagkain na hindi nasisira o napapanis.

***

Ang paborito nating­ M&M’s chocolate ay hango sa inisyal ng mga imbentor nitong sina Mars & Murrie.

***

Ang pagkain ng maraming celery ay makakatulong para masunog ang calories sa ating katawan.

***

Ayon sa mga siyentipiko, ang Australia ang itinuturing na kontinenteng walang aktibong mga bulkan.

***

Ang pinakamahabang kalye sa buong mundo ay matatagpuan sa Toronto, Canada, ito ay ang Yonge street na may sukat na 1,896 kilometers.

***

Si Hans Langseth ang may pinakamahabang balbas na may sukat na 17 & ½ feet long. Ibinigay sa Smithsonian Institute ang kanyang balbas nang siya’y mamatay.

***

Ang Africa ang nakapagtala ng may pinakamainit na temperatura na umabot sa 136.4 degrees F, kaya ito ang itinuturing na pinakamaiinit na kontinente sa buong mundo.

***

Ang Angel falls na matatagpuan sa Venezue­la ay mas mataas ng 20 ulit kung ikukumpara sa Niagara falls ng Canada.