Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pusang Itim sa Elevator

0 121

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo natatakot ba kayo kung may itim na pusa na biglang sulpot sa inyong daan? Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mapamahiin at ang paniniwala na kapag nakakita ng itim na pusa ay mamalasin. Pero marami rin ang nagsasabi na hindi malas kundi swerte ang makakita ng black cat.

Sa kaso ni Delfin ng Manila, matinding takot ang naramdaman niya ng pagbukas ng elevator sa condo niya ay may nakaupong itim na pusa at nasindak siya nang may kasama ito sa paligid niya. Ito ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Delfin.

Misteryo: “Kung black cat lang yun siguro hindi nakakatakot, pero Ano yung sinasabi mong may nakapaikot sa kanya…Ano mga yun?”

Delfin: “Mga multo ang kasama ni black cat kaya napatakbo ako pabalik sa unit ko.”

Misteryo: “Ilan ba yung mga multo na nakapaikot sa black cat? Anong hitsura nila?”

SM food to go Banner Ad

Delfin: “Teka ha. Siguro nasa anim sila babae’t lalaki sila at lahat nakatingin sa akin. Hindi clear ang images nila pero kita ko talaga.”

Misteryo: “So napatakbo ka kamo sa unit mo. Hindi mo na ba inabangan kung lalabas sila sa elevator? Yun ba ang first time na nakakita ka ng multo at may bonus pa, may kasama pang itim na pusa.”

Delfin: “Not my first time na makakita ng multo pero first time ko makakita ng mga multo kasama ang black cat. Hindi ko na tinignan kung lalabas sila sa elevator.”

Misteryo: “Nagtanong tanong ka ba sa ibang mga nakatira sa condo building kung nakita na rin ba nila yung nakita mong black cat at mga multo?”

Delfin: “May guard na nagsabi sa akin nakita na rin daw niya yun pati nga siya sobrang takot niya kaya nagpalipat ng schedule.”

Sa maraming taon ko na sa larangan ng paranormal, maling paniniwala na malas ang black cat dahil marami ang nagsasabi na suwerte ang hatid nito sa kanila. Kaya sa karanasan ni Delfin, hindi ko masabi na may kuneksyon ang black cat sa mga multo. Maaaring nagkataon lang na kasama ng black cat sa elevator ang mga multo o kaya attracted ang mga multo sa itim na pusa.

Para sa inyong kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.