Abante Tonite Interactive

Push ang JoshNella: Maja di matanggihan ni Joshua

735

NI: Mildred Bacud

Nagkaroon ng strong bond sina Janella Salvador at Joshua Garcia sa Killer Bride.

Kahit kasi tapos na ang serye hindi pa rin nawalan ng komunikasyon ang dalawa.

In fact magsasama muli sila sa isang episode ng MMK na ipapalabas next week.

Tsika ng aming source umoo daw ang aktres sa nasabing proyekto pero special request niyang si Joshua ang makapareha.

Hindi na nga sana ubra ito sa hectic schedule ng aktor dahil sa bukod sa training ay may ginagawa pa itong pelikula. Pero napa-oo si Joshua dahil ka-join pa raw ang tiyahin ni Janella na si Maja Salvador . Nakiusap daw ito kaya hindi na nga nakatanggi.

May mga fan nga na umaasang magkadevelopan ang JoshNella pero imposible pa sa ngayon dahil boyfriend ng aktres si Markus Paterson.

Bukod dito,gusto raw muna ng aktor ang mag-focus sa career after his heartbreak with Julia Barretto.