Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pusher tsugi sa Bulacan buy-bust

0 249

Isang drug pusher ang napatay nang manlaban umano sa isang buy-bust operation ng Bulacan Provincial Intelligence Unit at Plaridel Police sa Plaridel, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Base sa report, nakilala lamang ang napatay na si alyas ‘Alex’, nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan nang manlaban. Nakatakas naman ang kasamahan niya lulan ng motorsiklo.

Ayon sa mga arresting at inventory officer, ala-1:00 ng madaling-araw nang magkasa sila ng buy-bust sa Barangay Lumang Bayan, Plaridel.

Makaraan ang operasyon ay nakatunog umano si Alex na undercover police ang katransaksiyon niya kaya bumunot umano ito ng baril at pinaputukan ang awtoridad na naging dahilan ng engkuwentro.

Nakarekober ng awtoridad ang 17 pakete ng shabu, isang caliber .38 revolver at anim na bala gayundin ang buy-bust money.

Patuloy namang pinaghahanap ng awtoridad ang nakatakas na kasamahan ng napatay. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.