Abante Tonite Interactive

Puso ni Karen bumigay sa band member

487

Ang suwerte naman ng Silent Sanctuary member na si Sarkie Sarangay. Nakasungkit siya ng isang bulaklak na kasing bango sa umaga at kasing sariwa ng hanging amihan.

Ang tinutukoy namin ay si Karen Reyes, dating member ng GirlTrends at second big placer sa “PBB” 2013.

Hindi lang basta-bastang babae ang nakuha ni Sarkie, kundi loaded sa ganda, kaseksihan at sikat pa.

Makikita sa mga latest Instagram post ng dalaga ang pruweba ng pagiging isa niyang bigatin sa alindog.

Mula pa nang iluwal sa showbiz si Karen, mas lalong nag-bloom ang kanyang kagandahan.

Mula ulo hanggang paa, saksakan ng kinis ang dalaga. Parang walang bahid nang anumang skin imperfection.

‘Yung tipong singit pa lang, ulam na. Ang kutis nito ay sapat na para magliwanag ang mundo ng isang lalaking nagdidilim ang buhay.

Isa pa sa mga kinainggitan kay Sarkie ay ang malaking agwat ng edad nila ni Karen, na hindi hadlang para mahalin siya ng dalaga.

Mamatay na lang sa inggit ang mga nagtataka hanggang ngayon sa umusbong na pagmamahalan ng dalawa. (Rey Pumaloy)