Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pusong Bato’ singer pumanaw na

0 47

Pumanaw na ang nag-compose at kumanta ng hit song na ‘Pusong Bato’ na si Renee “Alon” dela Rosa kahapon (Wednesday, Sept. 15), bandang 6:00am. He was 61 years old.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma sa Facebook ng anak ni Alon na si Justine dela Rosa. “Wala na po si Papuy Renee Alon.”

Hindi na sinabi ni Justine ang sanhi ng pagkasawi ng kanyang ama pero ayon sa mga initial report, lack of oxygen ang ikinamatay nito. Diumano’y pumanaw sa labas ng isang hospital sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Ayon pa sa balita, tinanggihan daw ang singer-composer ng mahigit na 40 hospitals.

Makikita rin sa Facebook page ni Justine na bago yumao ang ama ay sunod-sunod ang panawagan niya ng paghingi ng tulong.

Unang post ni Justine noong Martes ng tanghali, “Hello po, humihingi po kami ng kahit kaunting tulong pambili lang po ng oxygen para sa aking papa na si ‘Alon’ Nandito po kami ngayon sa district hospital. Any amount will do po and prayers na rin po. Salamat po.”

Nasundan pa ito ng paghingi niya ng tulong ng oxygen tank at hospital room. “ASAP: Need Oxygen Tank na may laman. at Private Hospital na rin po around QC na may avail na room po, please,” panawagan niya.

Maya-maya ay nanawagan ulit si Justine. “Badly needed, private hospital with available room. Or baka may kakilala po kayo na tao na marrefer nyo po sa amin. Please po need ma-admit sa ospital ng papa ko. ������We need your help po ����PS: nasa ambulance pa rin po si papa at kanina hapon pa po sila paikot-ikot sa iba’t ibang ospital�� wala po nag-aadmit dahil puno po yung rooms.”

Makalipas ang ilang oras ay nag-post ulit si Justine. Aniya, “35 hospitals na nalibot namin, bakit po puro reject? ��Lord, tulungan nyo po kami.”

Maya-maya ay muli siyang nag-post. “We need recommended Private Nurse po. Just comment and PM me po.

“LF: Private Nurse (Registered) po sana, need po kasi malagyan dextrose kasi di pa po kumakain si papa simula kahapon,” post ni Justine.

Maging ang pamangkin ni Alon na si Nadsla dela Rosa ay naglabas din ng galit sa mga hospital na tumanggi sa kanyang tiyuhin.

Sa kanyang FB post kahapon ng umaga, Ayon kay Nadsla ay allergy attack lang ang nangyari sa Tito niya at nadugtungan daw sana ang buhay nito kung nabigyan ng first aid man lang.

“In behalf of delarosa family grabe ginawa ng mga hayop na doctor at hospitals na tumanggi sa tito ko Renee Alon grabe grabe!

“In short napaka worst almost 48hrs nasa byahe at ambulance? Almost 30+hospitals napuntahan Walang kahit first aid sa lahat?

“Given na yung punuan pero yung tatanggihan na parang aso lang at kung mag judge na mamamatay na? Seryoso!!!??

“P*tang ina nyo (negative sa antigen) gusto nyo positive parin? Tapos walang for emergency facility laging sagot para sa positive lang eh putangina pano nyo malalaman di nyo panga inaaksyunan!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Grabe nangyari pero pag patay na lalapit kayo para san? Pera? So ending natanggap nyo nung patay na? God bless nalang sa mga family nyo sana wag maranasan .

“Hindi pa naupload ibang video pano makipagusap mga hayop na doctor di makatarungan mga reason at sagot nyo ! P*tangina nyo!! dami namin gusto sabihin kita kita nalang.

“Pag pera na asikaso na ?(emergency room)? eh nasa gilid lang galing! Kung may nag unang hakbang lang or first aid tito ko baka nadugtungan pa buhay nya (allergy attack lang naman sya kaya nag kulang sa oxggen )

“By the way thank you barangay bagbag staff na mas concern pa sa tito ko and driver . PLEASE SPREAD #raffytulfoinaction REST IN PARADISE TITO,” ang kabuuan ng post ni Nadsla.

Andrew tinuka si AJ


Hindi makapaniwala ang comedian-rapper na si Andrew E na at his age ay mabibigyan pa siya ng chance na makapareha sa isang pelikula ang mga young sexy stars natin ngayon tulad nga nina AJ Raval at Sunshine Guimary sa latest offering ng Vivamax na “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan!”

“Unbelievable,” sagot niya agad nang matanong sa mediacon kung ano ang reaksyon niya na may kissing scene siya sa 25-year-old Pantasya ng Bayan na si AJ.

“Hindi ako makapaniwala na a very promising, much more than promising young actress, AJ Raval would be partnered with me and at the same time, magkakaroon pa ako ng kissing scene na pinag-uusapan nga ngayon ng buong bansa,” sey pa ni Andrew.

Bale ba ay first day daw agad kinunan ang kissing scene nila ni AJ sa movie at biro nga ni Andrew, nagpapasalamat siya at hindi naman naospital ang kanyang leading lady.

“Natutuwa ako na pagkatapos ng kissing scene namin eh hindi siya naospital, okay naman siya,” natatawang sabi ng comedian-rapper.

Natanong din si Andrew kung nagpaalam ba siya or nagpasintabi sa ama ni AJ na si Jeric Raval na magkakaroon sila ng kissing scene ng anak nito since halos magkasabayan silang sumikat noong dekada 90.

Ayon kay Andrew E, bagama’t halos magkasabayan nga raw sila sa showbiz ay hindi naman sila nagkasama sa movie dahil nasa Viva raw siya habang ang action star naman ay sa OctoArts. Pero of course, nagkikita naman daw sila noon.

Pero lately, of course ay hindi na sila nagkikita kaya hindi na rin daw siya nagkaroon ng chance na makapagpaalam pero alam naman daw niyang maiintindihan ito ni Jeric since artista rin ito at alam nitong parte lang ito ng kanilang trabaho.

Samantala, ang Shoot! Shoot! ay matatandaang original song ni Andrew na naging na naging hit TikTok trend at ngayon nga ay ginawa nang pelikula ng Viva.

Trailer pa lang ay ng pelikula ay tinangkilik na nga agad ng mga netizens at umabot na agad sa 6.5 million ang views nito sa loob lang ng 48 hours.

Mula sa direksyon ni Al Tantay, mapapanood na ang SHOOT! SHOOT!: DI KO SIYA TITIGILAN! sa October 1, sa pinakabagong pay-per-view service ng VIVAMAX, ang VIVAMAX PLUS.

Leave A Reply

Your email address will not be published.