Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pustiso nalunok ng binata

0 113

Inoobserbahan sa pagamutan ang isang lalaki matapos nitong malunok ang kanyang pustiso habang kumakain ng batchoy Sabado ng tanghali sa bayan ng Numancia sa lalawigan ng Aklan.

Sa ngayon ay inoobserbahan sa Aklan Provincial Hospital at posibleng maoperahan sa lalamunan ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Berto, 24, residente ng Barangay Pusiw ng nasabing bayan.

Base sa ulat, naganap ang insidente alas-12:00 ng tanghali. Habang kumakain ng batchoy ang biktima ay hindi nito namalayan na nakalas ang kanyang pustiso at pati ito ay kanyang nalunok.

SM food to go Banner Ad

Agad namang dinala sa nabanggit na ospital ang biktima kung saan ito inoobserbahan dahil sa hirap sa paghinga at pagsasalita sa nakabarang pustiso sa kanyang lalamunan.

Upang matanggal ang pagkakabara ng pustiso sa lalamunan, posibleng operahan ang biktima, ayon pa sa mga doktor dito sakaling hindi ito magtuloy-tuloy sa kanyang sikmura. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.