Abante Tonite Interactive

Putik sa aking mga paa

250

Dear Dream Catcher,
Anu po ibig sabihin ng panaginip ko. Nakita ko po ang dalawang paa ko na may putik.

Maitim na putik. Pinunasan ko pero hindi natanggal kaya hinugasan ko at natanggal naman.
Carlito

May dalawang simbolismo sa iyong panaginip: ang paa at ang putik sa iyong mga paa.

Ang paa sa panaginip ay representasyon ng ating mga prinsipyo at paninindigan. Maaring ang iyong panaginip ay indikasyon na meron kang ipinaglalabang posisyon.

Ang paghuhugas ng paa ay posibleng may kinalaman naman sa iyong pagtatangka na mapagbuti pa ang iyong mga prinsipyo. Kung sa aktuwal na buhay ay nakakaramdam ka na masyado kang nagiging marahas, ang paghuhugas ng paa sa iyong panaginip ay puwedeng paalala ng iyong subconscious na meron kang kailangang gawing paglilinis. Maaring meron kang dapat patawarin o dapat unawain.

Related Posts

Posibleng ipinapaalala ng iyong subconscious na hindi ka perpekto pero may paraan para maisaayos mo kung anuman ang aktuwal na sitwasyon mo sa buhay.

Ang paa sa panaginip ay maaari ring maikonek sa pagkawala ng iyong kumpiyansa. Kung may pakiramdam kang hindi stable ang iyong posisyon at nababawasan ang tiwala mo sa sarili. Maaring ito ang ipinapaalala ng iyong panaginip.

Ang putik naman ay ikinokonek sa ilang suliranin sa buhay. Tulad na lamang ng nakita mo sa iyong panaginip, madumi ang iyong mga paa, may maitim na putik at nang iyong punasan ay hindi ito naalis kaya kinaila-ngan mo nang hugasan. Ipinakita ng iyong p­anaginip na maaaring anumang sitwasyon mo sa buhay ay hindi nga perpekto, may mga problema o a­beryang nakakabagabag sa iyo. Pero tulad din sa iyong panaginip, may paraan para ayusin ito tulad ng ginawa mo sa panaginip kung saan pinunasan mo ang iyong paa at nang hindi maalis ang putik ay hinugasan mo na.

Ang ganitong panaginip ay puwedeng paalala sa atin na ang lahat ng pinagdaraanan natin sa buhay ay may solusyon. At sa gitna ng mga alalahanin sa buhay, kaya pa rin nating tumayo sa ating mga paa.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.