Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Putol ang kuryente: 2 anak ni Jomari nagtiis sa init

0 351

Nagtitiis ng init ang dalawang anak ni Jomari Yllana sa dating live-in partner na si Joy Reyes dahil naputulan daw sila ng kuryente ayon sa Instagram post ng huli.

Ipinost ni Joy ang larawan ng MERALCO bill amounting to Php100,238.38 na aniya ay almost a year na silang hindi nakakabayad kaya lumaki nang ganito.

Nag-post din siya ng larawan ng dalawang anak na lalaki nila ni Jomari na parehong dumedede sa kama at makikita ngang medyo madilim ang lugar.

Sa mahabang caption ni Joy, sinisisi at inaakusahan niya si Jomari sa hindi pag-ako umano ng responsibilidad nito sa mga bata.

“Our electric service from Meralco is DISCONNECTED TODAY ! Obviously, our bill has been neglected for several months….almost a year for it to reach this massive amount.

“Politicians, of all people, being public servants, should not be taking advantage of the leniency of the no-disconnection policy during the previous months because that was intended to help those gravely afflicted by the pandemic, those whose worse worry was how to manage to feed their families…not for the politicians whose affluence is boastfully exhibited, whose life is one of spectacular opulence!

“But the terrible part of this gross, gross negligence is a father’s lack of apathy towards his own children. That is totally sickening!

“Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, Kindly inform this “Honorable” COUNCILOR of District 1 PARANAQUE JOMARI YLLANA that his children are sweating in the dark & this is making it worse for Fangio who’s been having fever for a few days now.So many other issues of abuse that I’m trying so hard not to mind for the time being but directly harming the babies this way can’t be tolerated.

“No matter what you do, bec of your selfish choices in life, you will never be the one who will be by their side every single minute of every single day to come to their aid when they need it. So the least you can do is to STOP causing further trouble to the only parent doing it all!” ang mahabang caption ni Joy.

Matapos ang ilang oras ay muling nag-post si Joy ng screenshot ng sagot ni Jomari. Tila may netizen na nagparating sa aktor ng nangyari at base sa sagot niya ay mukhang hindi siya naniniwala na naputulan ng kuryente ang mag-iina.

“Sana ginagamit din ang isip paminsan minsan. Nakapag post sa FB, nakapag picture sa cellphone.May charge ang cellphone at may internet. Oh diba, naputulan ng kuryente pero nakakapag post at meron internet. Sana ol (laughing face with tears emoji),” ang sagot ni Jomari.

Kaya naman may sagot din si Joy na halatang galit na galit pa rin.

“A concerned citizen sent me this and I’m absolutely lost for words… I don’t wanna say I’m stupefied for the stupidity but I really can’t think of subtle words to appropriately describe it.

“Okay… Lemme get this straight. Does he really mean since namatay Ang kuryente sa bahay, automatic dapat patay din ang celfon ko???

“Here… I’m not really in the position to educate the uneducated so somebody kindly just explain to this person how mobile phones and mobile data work…how these gadgets have a battery life independent of the electric supply in your house.

“The pathetic attempt to again discredit the truth really has its boomerang effect.

“And it’s best to stop trying to make these people (who are just genuinely concerned about the babies) feel stupid by telling them to think when obviously it’s apparent who’s actually looking like a complete moron here. Oh boy! For your own sake, Just stfu and focus on solving the problem you created in the first place,” ang pahayag ni Joy.

Mas maganda sanang marinig ang panig ni Jomari sa isyung ito lalo pa nga’t katakot-takot na panghuhusga na ang inabot niya mula sa mga netizen.

Bukas ang Tonite para sa panig ni Jomari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.