Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Putol kuryente bawal hanggang December – ERC

0 91

Pormal nang inilabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kautusan na nagbabawal sa pagputol ng kuryente ng mga distribution utilities tulad ng Manila Electric Company sa mga hindi makabayad hanggang sa katapusan ng taon para sa mga hanggang 200 kilowatt hour lamang ang konsumo sa isang buwan.

Sa advisory na inisyu nito kahapon, inutusan din ng ERC ang mga DUs at retail electricity suppliers na magbigay ng 30-day grace period sa pagbayad ng mga bills na noong panahon ng enhanced community quarantine o enhanced community quarantine ang due date nang walang interes, penalty at iba pang charges.

SM food to go Banner Ad

Utos din ng ERC sa DUs na tatlong monthly installment pabayaran ang anumang di pa nabayaran pagkatapos ng 30-day grace period.

Ayon sa ERC, hindi kasali ang mga tanggapan ng pamahalaan sa 30-day grace period at sa installment payment. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.