Abante Tonite Interactive

Puwede bang bumili ng lupa sa ‘Pinas kahit nakatira sa Australia?

LET’S CLEAR IT

By
300

Dear Atty Claire,

I am Rhey Macale from Sydney, Australia po. Isa lang po ako sa napakarami nyong tagasubaybay ng column na ito. Nalaman ko nga na puwede naman palang mag-seek ng advise o mag-ask sa inyo kaya sasamantalahin ko ho itong pagkakataon na ito at sanay magkaroon kayo ng time na bigyang-pansin.

1). Tanong ko lang ho kung puwede ba kami being an Australian Citizen (Philippine born, used to be a Filipino citizen) na magkaroon o makabili ng lupa o bahay diyan sa Pilipinas? or may certain limit ho ba?

2) Ano ho ba kaibahan ng titled land sa sinasabing rights lang or tax declaration lang?

3) At kung sakali ho na gusto naming makabili ng lupa diyan sa Pilipinas, ano ho ba ang mga dapat na­ming malaman or dapat gawin?
Salamat po, Rhey

Rhey,

Dahil sa ikaw ay isang former Filipino citizen ay maaari kang makabili ng lupa rito sa Pilipinas ngunit may mga certain limit nga lamang tulad ng isinasaad sa BP No. 185:

Sec. 2. Any natural-born citizen of the Phi­lippines who has lost his Philippine citizenship and who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of one thousand square meters, in the case of urban land, or one hectare in the case of rural land, to be used by him as his residence. In the case of married couples, one of them may avail of the privilege herein granted; Provided, That if both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed.

Kung nais na gamitin ang lupa para sa isang business o investment ay pinapayagan na mag-acquire ang former natural born Filipino citizen ayon sa RA 8179 ng sumusunod na sukat:

Sec. 10. Other Rights of Natural Born Citizen Pursuant to the Provisions of Article XII, Sec. 8 of the Constitution. – Any natural born citizen who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of 5,000 square meters in the case of urban land or three hectares in the case of rural land to be used by him for business or other purposes. In the case of married couples, one of them may avail of the privilege herein granted: provided, that if both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed.

Sa susunod na tanong tungkol sa kaibahan mg titled property at tax decla­ration… ang titled property ay isang ari-arian na nakarehistro sa Register of Deeds at nakalagay na ang mga technical boundaries ng nasabing lupa. Ang titulo na nakarehistro sa may-ari ay katibayan ng kanyang absolute ownership dito at hindi ito basta maatake nino man maliban lamang kung nakuha niya ang pagpapatitulo sa iligal na pamamaraan. Samantalang ang Tax Declaration of Real Property ay nagpapatunay lamang ng karapatan ng “possession” isang tao sa isang lupa/improvement/machinery na nabanggit sa isang tax declaration. Nagpapatunay lamang ito ng pag ookupa ng isang tao sa nasabing ari-arian at hindi nagpapatunay ng ownership. Ngunit ang taong may hawak ng tax declaration na nakapangalan sa kanya ay mas may karapatan na ariin ang isang pro­perty kumpara sa taong nag-ookupa ng walang anumang dokumentong hinahawakan.

Kapag nakabili ka ng ari-arian na may tax declaration lamang ay dapat mong alamin kung bayad ang amilyar nito upang makasiguro na walang utang ito sa Office of the Treasurer ng nasabing lugar kung saan matatagpuan ang ari-arian. Kapag nakabili na at kumpleto na ang mga dokumento at bayad ng taxes tulad ng capital gains tax, documentary stamp tax, etc. ay maaaari mo nang pasukat ito upang maaprubahan ang survey plan at saka mag-file ng Petition sa korte para magpatitulo na ng lupa.

Pakitingnan na rin kung ano ba ang limitasyon na nakasaad sa tax declaration o titulo dahil baka ito ay isang lupang naibigay sa magsasaka ayon sa CARP na hindi maaaring basta maisasalin ang ownership sa iba ng hindi naaayon.