Abante Tonite Interactive

Puwede ka pang mag-ipon!

0 152

julius-segovia

Katulad din ba kita na maraming inaanak? Mahigit sisenta lang naman sila. Kaysa magtago ako sa Pasko, maaga pa lang dumidiskarte na ako.

Mahigit isang buwan pa naman bago mag-Pasko. Mahaba-haba pa ang panahon para makapag-ipon ng pera pambili ng regalo o aguinaldo para sa mga inaanak.

Alam kong challenge talagang mag-ipon lalo na kung pamilyado. Marami ka ring gastos – upa sa bahay, bayad sa kuryente, tubig, telepono, at Wi-Fi, pati pang-araw-araw na pagkain sa hapag. Siguradong ubos ang sahod mo.

Suwerte nang may sumobra.

Pero narito ang ilang tips para makamenos sa gastos at makaipon ng mga panregalo ngayong Pasko.

Imbes na mag-happy happy tuwing Friday night kasama ang barkada, ipunin na lang ang pera. Puwede pa rin namang magsaya matapos ang buong linggong trabaho basta i-budget lang ang gastos.

Iwasang bumili ng mamahaling kape. Nauubos ang pera mo kabibili ng mahal na kape. Bakit hindi mo subukang uminom nang mainit na 3-in-1 coffee? Tiyak na swak sa budget mo.

Kung nakagawian mo nang bumisita sa salon at spa tuwing ikalawang linggo para magpalinis ng kuko, bakit hindi subukang ikaw na lang ang mag-mani at mag-pedi sa sarili mong mga kuko?

Importante ring magtipid sa konsumo ng kuryente. Ngayong ‘ber months’, malamig na ang simoy ng hangin. Huwag nang gumamit ng aircon sa gabi. I-unplug din ang mga appliance na hindi naman ginagamit.

Ewan ko kung sasang-ayon kayo. Pero sana maiwasan munang gumala sa mga mall. Maraming temptation doon. Kahit pa sabihing window shopping lang, siguradong mapadudukot ka rin sa bulsa mo oras na mapunta ka sa department stores.

Hindi talaga sasapat ang tipid mode. Kailangan pa ring huma­nap ng ibang source of income. Subukan mo munang rumaket. Puwede kang magbenta ng home-made pastries. O di naman kaya’y mag-garage sale ng mga ka­sangkapan mo sa bahay.

Tingnan din ang mga damit at sapatos sa tukador na hindi na gina­gamit o napagliitan na, baka puwede ring i-resell sa mas murang halaga.

Ang sa akin lang, kailangan talagang mag-ipon hindi lang ngayong Christmas season, kundi sa buong taon. Importanteng may laman ang bulsa para sakaling kailanganin ang pera, for sure na may madudukot ka.