Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puwede mag-abroad kahit `di kumpleto bakuna – Palasyo

0 168

Ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na mali ang isang Facebook post na nagsasabing ang mga Pinoy na lalabas ng bansa ay dapat kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Nilinaw din ni Roque na mali rin ang post sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) FB page na ang mga Pinoy na aalis sa bansa ay dapat sumailalim sa beripikasyon at dapat na magprisinta ng sertipikasyon na sila ay bakunado na.

“That’s wrong,” ayon kay Roque. “It’s not mandatory and will apply only to those who want a shortened quarantine upon their return,” dagdag ng kalihim.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na noong Hunyo 4 ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang bagong guideline sa mga bibiyahe palabas ng bansa para sa mga nakakumpleto ng bakuna sa Pilipinas.

Nabatid na dapat dala ng mga nakakumpleto ng bakuna ang kanilang vaccination card na ibiberipika bago umalis at ipiprisinta sa kinatawan ng Bureau of Quarantine (BOQ) para naman sa re-verification sa Department of Transportation (DOTr) One-Stop Shop pagdating nila sa Pilipinas.

Ipatutupad ang bagong guideline simula sa Hunyo 16, 2021. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.