Abante Tonite Interactive

Puwede na ang pinabatang Gilas

426

Unang paglabas ng Gilas Pilipinas lineup, marami ang napatanong dahil sa dami ng amateur na kasali sa Final 12.

Isa sa kinuwestiyon ay ang hindi pagkakasama ni Javee Mocon sa lineup, na natatanging PBA player na hindi nakasama sa laban kontra Indonesia.

Ngunit kung titingnan ay maganda ito para sa future ng Philippine basketball.

Ngayon ay nakita na natin kung ano ang kaya ni Thirdy Ravena, na naging top scorer ng koponan sa 23 points, dagdag pa ang walong rebounds, tatlong assists at dalawang malupit na blangka.

Bukod pa rito ay halos lahat ng bagito ay maganda ang performance kontra sa Indonesia na kanilang dinomina nitong Linggo lang, 100-70.

11 minuto lang ang nilaro ni Juan Gomez de Liano ngunit bawat patak sa oras ay sinulit, umiskor ng 10 points at may plus 15 sa efficiency.

Kasama pa sa maganda ang pinakita ay ang Ateneo playmaker na si Matt Nieto na top assist man sa Gilas sa anim na dimes.

Kaabang-abang din para sa Ateneo ngayon si Dwight Ramos, na kahit limang puntos lang ang inambag ay pinakita na puwede siyang maging sunod na Marc Pingris o energy guy ng Gilas dahil nakakubra ng tatlong rebounds.

Nasa tamang direksyon ang ‘Batang Gilas’, na kung magtutuloy-tuloy ay hindi malayong maging numero uno sa Asia sa paglipas ng taon lalo’t ilan pang manlalaro ang inaabangan tulad ng twin towers na sina Kai Sotto at AJ Edu, maging ang NBA prospect na si Remy Martin.