Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Puwede nang lumabas

0 339

Wala na sa eksena ngayon ang pamosong linya ng Kapamilya actress na si Kim Chiu na ‘Bawal lumabas!’ Nito lang isang linggo, inamyendahan na ng Inter-Agency Taskforce on Emerging Infectious Diseases ang resolusyon na nagbabawal lumabas sa gitna ng umiiral na community quarantine.

Sa pinakahuling utos mula sa IATF, puwede nang lumabas ng bahay ang edad 15 hanggang 65. Ibig sabihin, makakalabas na ang mga menor de edad at senior citizens. Dati kasi, bawal lumabas ang mga nasa edad 21 pababa at 60 pataas.

Base ito sa hiling ng ilang lokal na pamahalaan para unti-unti nang bumalik ang sigla ng komersyo at negosyo sa kanilang mga nasasakupan. Nalilimitahan kasi ang pagtakbo ng ekonomiya dahil marami pa rin ang hindi nakakalabas.

Pero hindi sang-ayon dito ang mga eksperto mula sa University of the Philippines. Delikado raw na payagang makalabas ang mga senior citizen dahil mataas ang fatality rate ng mga nasa ganung age range.

Sa totoo lang, kahit pa anong edad, nakakatakot pa rin naman talaga lumabas ng bahay. Iba pa rin ang pakiramdam na alam mong hindi ka ‘safe’. Unang-una, hindi natin nakikita ang kalaban. Ikalawa, wala pang bakuna na panlaban sa COVID-19. Ikatlo, patuloy pa ring tumataas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng virus infections.

Kaya hindi dapat abusuhin ang pagkakataon na pinapayagan nang makalabas ang mga menor de edad at senior citizens. Kung wala namang importanteng lakad, manatili na lang sa bahay. Importante pa ring isaalang-alang ang kalusugan. ‘Yan ang dapat na top priority.

Ang sa akin lang, umiiral pa rin ang health protocols. Ugaliing magsuot ng face mask at face shield tuwing lalabas at pupunta sa mga pampublikong lugar. Bawal pa rin ang mass gatherings. Kaya hindi puwedeng maghappy-happy. Kung may mga pagtitipon na pupuntahan, siguruhing sumusunod sa physical distancing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.