Abante Tonite Interactive

Puwede pa bang makipag-sex kahit buntis?

By
1,725

Oo naman! Kahit buntis ay puwedeng-puwede pa ring makipagniig.

Pero ito ay para lang sa mga misis na healthy at walang dinaranas na kakaiba o anumang nara­ramdamang sakit.

May mga misis pa nga na kung kelan ­buntis ay saka sila nagiging ­mahilig.

Sa pag-aaral, ilang kababaihan na nasa ikalawang semestre o mula ikaapat hanggang ika­a­nim na buwan ng pagdadalantao ang mas hot – ito ay dahil sa panahon ding iyon ay mas lumalakas ang hormones ng buntis.

‘Ika nga ni Dr. Lulu Marquez sa isang pana­yam ay natural at normal ang makipagtalik ­kahit buntis.

“Sex is natural, it’s a normal part of pregnancy, so puwede siya,” ­sambit ni Dr. Marquez.

Itinanggi rin ng wellness ambassador na masasaktan ang sanggol sa sinapupunan kapag nakipagtalik ang buntis. “Ang baby ay protected. Sex will not hurt your baby,” paliwanag pa nito.

Kaugnay nito’y binigyan-diin din ng doktor na hindi lahat ng buntis ay maaaring makipagtalik

.
May mga misis kasing maselan ang pagbubuntis o yaong maituturing na ‘high risk’ kaya kailangan aniya ang ibayong pag-iingat at kung maaari ay umiwas muna sa pakikipagniig.

Ilan sa mga kasong ito ay ang mga sumusunod:

* Nakunan o nagkaroon na ng ‘miscarriage’

* Nakakaranas ng spotting o vaginal bleeding

* Vaginal discharge

* Malimit na pana­nakit ng tiyan

* May ‘leak’ sa amniotic sac na bumabalot sa fetus

* Buntis na inabisuhang ‘complete bed rest’ ng doktor

* May kambal sa sinapupunan o higit pa. (Merque Episcope)